Family or BF/GF

Kailangan mo pa bang mamili? Hindi ba pwedeng mahalin mo sila ng sabay? 

Mahirap nga naman pumasok sa ganitong problema, yung mamili between your family or your boyfriend/girlfriend. Sino nga ba ang dapat piliin? Pano ka pipili? Try to ask this to yourselves.

  • Sino ba ang mas tama?
  • Ano ang mas makakabuti sa nakakarami?
  • Pagsisisihan mo ba yung magiging choice mo?

Masakit sa pakiramdam na kailangan mo pang mamili between the people you love, but if they really love you, piliin mo man sila o hindi, they’ll understand, hindi man ngayon, but maybe someday.

#words  

2 Weeks pa lang pala nung huli akong nag-post

Pero bakit parang isang buwan na? Hahaha. Oh Well, What’s important is, I’M BACK ;)

I’m Sooooo Inactive :|

So Sorry! Hindi ko lang kasi ma-feel na inspired ako. Hindi tuloy ako makapag-isip ng matino, kaya naisipan ko na lang mag-basa sa Wattpad. Feel ko lang kasi pag nag-basa ako dun mahahawa ako sa pagka-inspired nung mga cast kada stories. Kaso, wala talaga. Huhuhu ;(

But I miss Tumblr soooooooooo much!

#diary  #kadakila  

Masakit parin yung balakang ko.

Kasi nga sinama ako ni Mama kagabi sa Gym. Tapos hanggang ngayon masakit parin yung balakang ko! Ang eksaherada lang ng pawis ko kagabi, napaghahalataang di nag-e-exercise. Pero ang saya super! Ngayon ko lang narealize na ang taba ko na! Ugh! Diet ulit! DIET!

#diary  #gym  #mama  

Tapos na yung Junior Year namin

Pero di ko talaga na-feel na mag-e-end, hindi man lang ako maiyak kahit konti. Bakit kaya? Worst school year kasi ee. Best parin yung section namin dati! Walang tatalo \m/.

Tapos kelan ko lang din naka-close iba kong mga kaklase, siguro kung medyo matagal-tagal ko silang naka-close baka ma-miss ko talaga sila ng bonggang-bongga. Pero ayun nga, wala akong magagawa. Sana adviser ulit namin next year yung adviser namin nung 2nd year kami ;)

#HS life  #diary  

Respeto

Kanina kasi sa school kinausap ako ni Virgilio, sabi nya tanungin ko dawkung sino yung gustong sumali sa Flash Mob, kailangan kalahati ng section namin ang sasali, edi ako naman nag-announce. habang nag-a-announce ako yung mga kaklase ko, mapa-babae man o mapa-lalaki nagdadaldalan, nagiingay, sinuway ko sila maraming beses na hanggang sa mapuno ako. Ayun nag-walk out na lang ako kasi babagsak na talaga yung luha ko, mababaw kasi talaga yung luha ko eh. Ayun sobrang badtrip na ko kanina, hindi ko na kinakausap yung mga boys. Tapos wala man lang akong narinig kahit isang sorry.

Kung gusto nyo kasing ni-re-respeto kayo, matuto din kayong rumespeto. Kapag may nagsasalita sa harapan, ‘wag kayong masyadong maingay kasi nakaka-bastos kayo sa nag-sasalita.

#diary  #words  

BEST BARKADA EVER!

Sila kasi talaga yung mga taong di ko malilimutan. Best persons in my life. Sila yung mga taong pwede kong pangakuan na hinding-hindi ko malilimutan magka-hiwa-hiwalay man kami. Love ko sila as in sobrang love na love! Ramdam mo talaga yung friendship kasi kahit magkaka-iba kami ng section hindi parin nawawala yung closeness.

Akala ko akin ka, kanya ka pala.

#trending  

Late Receiver ako

Gara! Hahaha. Letseng yan! Kung kelan kailangan tsaka nag-late receiver! Kung mina-malas ka nga naman! Ganda ng Timing ehh, hindi manlang naawa. Sige na nga, yaan na! Pagbigyan na lang, minsan lang ehh :)

#tm  #diary  

nenengkulit:

babypaui:

Ella Cruz and Francis Magundayao Hihibet ko silang dalawa as love team :”“)

Dito talaga ako kinikilig kagabi. Hahaha :”> Sana nga hindi na lang sila tumanda eh para mas nakakakilig kesa naman kay Piolo. 

Take Note: Kaboses niya si Daniel Padilla (yung boy)

Hindi ko lang talaga maiwasang kiligin sa kanila kagabi :”>

(via kaaaarrreen)

#reblog  

Malapit na pala yung end of class namin. Hanggang wednesday na lang! Sayang! Kung inenjoy ko yung section namin at hindi nagreklamo ng nagreklamo, di sana mas na-enjoy ko pa.

Ngayon ko lang halos naka-close lahat ng classmate namin. Sobrang love ko na sila. Ma-mi-miss ko talaga sila kung sakaling hindi kami maging mag-ka-kaklase. Kaya sana talaga, next year, ganito parin :)

M.A.R.J.

Na-mi-miss ko na yung grupo namin. Nagka-away-away kasi kami dati, yung selos-selos achuchu na issue. Selosa kasi kami ehh, hahaha!

Kasi parang feeling namin nila Dith & Michelle na parang wala na lang kami sa paningin nya. Kapag nakikita kasi nila kami, wala manlang hi o hello, feeling namin nun hindi na sya aware kung makamusta nya ba kami or what? Feeling namin pinagpalit nya na kami sa bagong friends nya.

Nagkatampuhan talaga kami. Hanggang sa nung magkabati-bati na kami, tsaka naman namin sinabing wala ng M.A.R.J. kasi kumbaga sa relasyon, parang label na lang din yung pangalan ng group namin.

Tapos kelan lang, nag-usap kami about nung 2nd year kami kasi yun talaga ang best section! Hanggang sa nag-tanong ulit si Dith kung may M.A.R.J. pa ba kasi para sa kanya meron pa. Para kay Michelle kasi parang wala na ehh.

Ohh well, para kasi sa’kin MERON PA. Kahit wala na yun sa iba ang mahalaga nakatatak na sa puso ko kung ano yung naging samahan namin. Yung pangalan, hindi na yun mahalaga. Sila parin naman yung pinaka best na best friends ko :)

Matanda

  • Papa: Sige maya na lang ulit
  • Ako: Sige pa ba-bye!
  • Papa: Bye! Lapit na birthday nya!
  • Ako: hahaha
  • Papa: 2 weeks na lang! Matanda na sya! Hahahaha
  • Ako: Wehh, nasa kalendaryo pa ko! Ikaw wala na! HAHAHA
  • Papa: Hindi pa no! Nasa Lotto pa ko ehh! Malayo pa ko sa Bingo

FVCKPOGI

Trip po nya ko bantayan! Hahaha. Kaya hindi ako makapag-post tungkol kay Mr. Crush. Curious sya masyado, kaso maingat na ko! May pinaghihinalaan na sya, kaso wala naman pruweba! hahaha hindi rin naman ako aamin! :P

Pero sa totoo lang nag-seselos na yan ehh! HAHAHAHA! Diba Chubx?

#fvckpogi  

Ang cute kasi ni Candy dito :)

Haha!Naka-princess dress at crown pa sya. Humahaba nanaman kasi yung buhok nya ehh. Buntis pa sya nyan! Pero ang cute nya talaga. Bow! x)

#candy  #diary  #pictures